Natagpuang wala nang buhay sa katipunan avenue Brgy. Loyola Heights, Quezon City bandang 5 a.m., araw ng Miyerkules.
Dumulog ang isang concern citizen sa tanggapan ng Quezon City Police District para i-report ang natagpuang patay na nakahandusay sa kalsada.
Naabutan ng QCPD forensic unit na nakasuot pa sa ulo ang isang helmet ng motorsiklo sa biktima habang kulay blue naman ang kanyang damit at pantalon.
Nagpapatuloy ang backtracking ng CCTV ng kapulisan para matukoy kung ano ang motibo sa pamamaslang at sino ang gumawa ng krimen.
ADVERTISEMENT
Palaisipan din sa otoridad na wala na ang motorsiklo ng biktima kaya bumuo na rin ng special investigation team na tututok sa insidente bilang pagtitiyak na maibibigay ang hustisya sa pamilya ng biktima.

