Tumaas ang public satisfaction ng mga Pilipino kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikalawang kwarter ng 2025, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa survey na isinagawa noong Hunyo 25 hanggang 29, 46% ng mga Pilipino ang nagsabing sila’y kontento sa kanyang performance, habang 36% ang hindi kontento at 19% ang walang pasya, na nagbigay ng net satisfaction score na “moderate” positive 10.
Ipinakita rin ng datos ang malaking pag-angat mula sa “poor” negative 10 noong Abril 2025, at pagtaas ng rating sa lahat ng pangunahing rehiyon, kabilang ang 35-point jump sa Mindanao at 21-point increase sa Balance Luzon.
Nakapagtala rin ng pagtaas ang urban at rural areas, gayundin ang parehong kalalakihan at kababaihan.
ADVERTISEMENT
Samantala, nakapagtala ng pinakapositibong resulta ang mga respondent na walang pormal na edukasyon o hanggang elementarya lamang, na umabot sa “good” rating, samantalang nanatiling pinakamababa ang satisfaction sa mga nagtapos ng kolehiyo na may “poor” rating.
Isinagawa ang survey sa 1,200 adult respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interviews at may positive/negative 3% margin of error sa national level.

