News LightLatest News

Biyaya at Papuri Worship, ihahatid ang walang hanggang pag-asa sa bagong kantang “Walang Wakas” | News Light

At para naman sa ating Light Session, pag-ukulan natin ng pansin ang usapin ng worship music. May magandang balita para sa mga naghahanap ng bagong kanta na magpapalalim ng iyong…

Newslight · · Updated · 1 min read

At para naman sa ating Light Session, pag-ukulan natin ng pansin ang usapin ng worship music. May magandang balita para sa mga naghahanap ng bagong kanta na magpapalalim ng iyong pananampalataya.

Nakatakdang ilabas ng Biyaya at Papuri Worship, na pinangungunahan ni Pastor Ariel Bermido, ang kanilang bagong awitin na pinamagatang “Walang Wakas.”

Ang kanta ay hango mismo sa Banal na Aklat, partikular sa Book of Psalms 103:15-17.

Layunin nitong magpaalala sa lahat na ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos ay tunay na walang hanggan.

ADVERTISEMENT

Kilala ang Biyaya at Papuri sa mga powerful at heartfelt na worship songs, at isa sa kanilang awitin ay ang “Banal.” Mapapakinggan ang “Walang Wakas” simula Oktubre 17, 2025 sa lahat ng major music platforms. (Benedict Quejado/ News Light)

What do you feel about this article?