Malacañang, sinagot ang mga pasaring ni VP Duterte na mahina ang administrasyon | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Bumwelta ang Malacañang sa mga patama ni Vice President Sara Duterte na “unstable” o mahina ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sinabing kasinungalingan na naman ang mga ito.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, ginigiba lamang ng mga kagaya ni Duterte ang pamahalaang Marcos.

Ipinagmamalaki pa nito na si Marcos ang nagsimula ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects, at ikinumpara pa ito sa matumal na kampanya kontra korapsyon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (Denniel Salayo/ News Light)