Naglabas ng arrest warrant ang Mandaluyong Regional Trial Court laban kay dating PCSO General Manager Royina Garma at apat na ibang opisyal dahil sa kasong murder at frustrated murder sa pagpatay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.
Kasama sa hinainan ng warrant si dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo at mga pulis na sina Jeremy Causapin, Santie Mendoza at Nelson Mariano.
Ayon sa PNP, ipapatupad ang no bail warrant anuman ang estado o posisyon ng mga sangkot.
Sa record ng mga otoridad, nasa custody status na si Mendoza, habang dismissed na sa serbisyo si Mariano at nag-resign naman si Causapin.
Iniimbestigahan naman ng CIDG ang report na nakaalis na ng bansa si Garma.
ADVERTISEMENT
Habang kinukuha na rin nila ang certification mula sa Bureau of Immigration.
Nitong nakaraang buwan, kinumpirma ng Immigration na nagbalik sa bansa si Garma matapos humingi ng asylum sa Amerika.


