
Tinalo ng Italy ang Bulgaria sa score na 25-21, 25-17, 17-25, 25-10 upang masungkit ang ikalimang titulo sa FIVB Men’s World Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Bumida si Yuri Romano na may 22 puntos, habang si Mattia Bottolo ay nagdagdag ng 19 at si MVP Alessandro Michieletto ay umambag ng 11.
Pinangunahan ni Aleksander Nikolov ang Bulgaria na may 23 puntos ngunit nanaig ang Italy sa halos lahat ng aspeto ng laro.
Samantala, nakamit ng Poland ang bronze matapos talunin ang Czechia, 25-18, 23-25, 25-22, 25-21, sa likod ng 26 puntos ni Wilfredo Leon.
ADVERTISEMENT
Si Michieletto, na nakapagtala ng 93 puntos sa pitong laro, ay nanguna rin sa World Championship “Dream Team” kasama sina Simone Giannelli, Romano, Nikolov, Aleks Grozdanov, Jakub Kochanowski at libero Fabio Balaso.

