Latest NewsBalitang A2Z

Ex-CoA Commissioner Mendoza, hindi na ikinagulat ang paglalagay ng CoA ng budget insertions

Hindi na ikinagulat ni dating CoA Commissioner Heidi Mendoza ang isyu ng budget insertion na kinasasangkutan ni Commissioner Mario Lipana.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Hindi na ikinagulat ni dating CoA Commissioner Heidi Mendoza ang isyu ng budget insertion na kinasasangkutan ni Commissioner Mario Lipana.

Giit ni Mendoza, makapangyarihan ang posisyon ng auditor lalo’t may kapangyarihang sumulat ng ulat at mag-disallow ng gastos kaya nararapat aniya na mas mahigpit ang appointment process ng mga commissioner.

Anya kung gustong magkaroon ng tunay na independent na komisyon dapat hindi nakasalalay sa budget o sa kumpirmasyon lamang ng Malacañang.

Samantala, nilinaw naman ni Mendoza na hindi siya lumapit o inalok ng posisyon sa Independent Commission for Infrastructure at hindi raw niya tatanggapin ito kahit na may alok sa kaniya.

ADVERTISEMENT

Para kay Mendoza, mas epektibo ang joint investigation ng Ombudsman at CoA para diretso ang mga ulat sa sandiganbayan imbes na dumaan pa sa mahabang proseso ng ICI.

What do you feel about this article?