News LightLatest News

DA, posibleng palawigin ang rice import ban hanggang Disyembre | News Light

May malaking posibilidad na palawigin hanggang sa katapusan ng taon ang rice import ban. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ito ang hiling ng mga local rice millers…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

May malaking posibilidad na palawigin hanggang sa katapusan ng taon ang rice import ban.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ito ang hiling ng mga local rice millers at traders at ito rin aniya ang napagdesisyunan ng pangulo na i-extend ito ng hindi bababa sa tatlumpung araw, pero posibleng mas humaba pa depende sa sitwasyon.

Bunga ng extension ang pagbagsak ng presyo ng palay kaya nakatakdang ilabas ang executive order na magbabawal sa mga LGU at ahensiya ng pamahalaan na bumili ng imported rice.

Samantala, magpapatupad naman ng price freeze sa bigas sa Eastern Samar at Masbate kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Opong.

ADVERTISEMENT

Magbebenta rin ang DA ng bigas sa halagang bente pesos kada kilo sa loob ng isang buwan sa mga nasabing lugar.

Tinatayang hindi aabot sa isang bilyong piso ang nasalantang agrikultura dahil sa bagyo.

What do you feel about this article?