PNP: Mga nahuling menor sa Sept. 21 rally, dapat sumailalim sa rehab | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) na sumailalim sa rehabilitasyon at counseling ang mga menor de edad na sangkot sa marahas na kilos-protesta noong September 21 sa Mendiola.

Iginiit ito ni PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. matapos palayain ang 55 menor de edad at 25 pang indibidwal na nahuli noong rally.

Dagdag ng hepe, nirerespeto ng kapulisan ang batas kaya pinalaya at dinala sa mga angkop na awtoridad ang mga indibidwal batay sa probisyon ng Juvenile Justice and Welfare Act.

Inirekomenda naman ng prosecutor na dalhin ang 55 “children in conflict with the law” sa Manila Department of Social Welfare.

ADVERTISEMENT

Bilang bahagi ng “rehabilitation, reintegration, and diversion,” magsasagawa ng community service gaya ng cleanup drives ang mga nahuling kabataan.

Para naman sa 25 na hindi menor de edad, iniutos ni Nartatez na makipag-ugnayan ang mga imbestigador sa mga prosecutor upang maisampa ang kaukulang kaso laban sa kanila.