Latest NewsBalitang A2Z

Taiwanese na nagtangkang magpuslit ng 6 na pinoy para pagtrabahuhin bilang scammer sa Cambodia, timbog sa NAIA

Timbog ang isang Taiwanese sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City matapos tangkang ipuslit sana ang anim na pinoy papuntang cambodia para pagtrabahuhin sa isang scam operation.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Timbog ang isang Taiwanese sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City matapos tangkang ipuslit sana ang anim na pinoy papuntang cambodia para pagtrabahuhin sa isang scam operation.

Ayon sa PNP-Women and Children Protection Center, mula sa Metro Manila ang dalawang babae at apat na lalaki na pawang mga biktima matapos ma-recruit sa social media at alukin ng trabaho sa Cambodia kapalit ng $1,000 U.S. o mahigit P50,000.

Lumabas din sa imbestigasyon na isang filipino facilitator sa cambodia ang nag-utos ng recruitment operation dito sa bansa.

Nasa kustodiya ng ng WCPC ang banyagang suspek at mahaharap sa kasong trafficking in persons at large-scale and syndicated illegal recruitment na may habambuhay na pagkakakulong at multang aabot sa P7 milyon.

ADVERTISEMENT

Habang kakasuhan din ang pinoy facilitator habang nasa pangangalaga na ng inter-agency council against trafficking ang mga biktima.

What do you feel about this article?