Dahil sa reallocation ng budget para sa flood control programs, makakatanggap ng dagdag honoraria ang mga teachers na magiging poll watchers sa Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na taon.
Sa budget deliberation ng Kamara, kinumpirma ni Davao del Sur Lone District Representative John Tracy Cagas na naging ₱12,000 na ang dating ₱10,000 para sa mga gurong chairpersons ng electoral board, at ₱11,000 naman mula dating ₱9,000 ang para sa mga board members.
Sa pahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, mabuti’t napagbigyan umano ng Kongreso ang inilabang umento sa honorarium ng mga guro. Kaakibat na rin nito ang karagdagang 10,000 na voting precincts, election paraphernalias, ballot boxes, at mga balota para sa BSKE 2026.
Sa kabuuan, mayroon nang total na ₱13,000 na honorarium ang mga gurong chairperson at ₱12,000 para sa mga board members dahil pa sa ₱1,000 increase na binigay ni Pangulong Marcos noong huling national at local elections. (Denniel Salayo/News Light)
ADVERTISEMENT


