Latest NewsBalitang A2Z

Isang hardware sa Catanduanes, namigay ng libreng construction material habang papalapit ang bagyong Opong

Bilang paghahanda sa maapektuhan ni bagyong Opong namigay na ng libreng construction supply sa mga residente ang isang hardware store sa Catanduanes.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Bilang paghahanda sa maapektuhan ni bagyong Opong namigay na ng libreng construction supply sa mga residente ang isang hardware store sa Catanduanes.

Makikita sa larawan na nakatatanggap ng plywood, alambre at iba pa na gamit pang-kumpuni ng bahay ang mga residente na maaga pang Huwebes ay nakapila na sa Catanduanes Emerald Hardware.

Ayon sa mga residente, matagal nang ginagawa ito ng naturang tindahan lalo na kapag may tatamang bagyo sa probinsya.

Umani naman ng positibong kumento sa mga netizen ang tila good deed ng negosyante na tila nauuna pa raw kaysa sa mga pulitiko na umaksyon at tumulong sa publiko sa panahon ng kalamidad.

What do you feel about this article?