Viral ngayon sa social media ang in-upload na video ni Cavite District Rep. Kiko Barzaga matapos tila hamunin ni Cavite Rep. Kiko Barzaga, si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos tungkol sa kaso ng kanyang tiyuhin na si dating Speaker Martin Romualdez.
Sa 30-second video na ipi-nost ni Barzaga, makikitang nagkasalubong sila ni Marcos sa Plenaryo.
Naging maayos pa ang kanilang batian pero nang tanungin ni Barzaga ang isyu kay Romualdez dito na umiwas si Marcos at hindi sumagot.
Agad namang pumagitna si Iloilo Rep. Janette Garin na pilit hinihila pababa ang phone ni Barzaga, para pigilan ang pagkuha ng video at sitahin ang ginawa nito.
ADVERTISEMENT
Matatandaang nangyari ang insidente ilang araw matapos magbitiw si Romualdez sa puwesto dahil sa alleged budget insertions at anomalya sa flood control projects.

