P1.3 milyong halaga ng mga smuggled na puting sibuyas nasabat sa Quiapo, Maynila

📅  |  ✏️ Updated

Nakumpiska ng PNP Highway Patrol Group sa Quiapo, Maynila ang halos 1,200 sako ng umano’y smuggled na puting sibuyas na nagkakahalagang P1.35 milyon.

Nasabat ang dalawang truck sa Carlos Palanca street., dahil sa seatbelt violation at maling lagay ng plaka.

Lumabas sa imbestigasyon na peke ang dokumento ng mga drayber at walang lisensya ang isa sa kanila.

May marka pang ‘China’ ang mga sibuyas na galing umano sa isang storage facility at plano sanang dalhin sa Navotas at Bocaue, Bulacan.

Nakakulong na sa Camp Crame ang drayber at ang pahinante na mahaharap sa paglabag sa kasong Consumer Act.

ADVERTISEMENT

Habang patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng mga kontrabando.