Tiniyak ng Malacañang na walang banta sa seguridad kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng usaping nawala siya sa mata ng publiko ng apat na araw.
Huling nakita ang Pangulo noong September 20 sa launching ng transport discounts para sa mga estudyante sa Valenzuela City at sa pagbisita sa isang ospital sa Maynila.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, naging abala ang Pangulo sa mga private meetings sa Palasyo at walang nakikitang banta sa kanyang seguridad.
Matatandaang kinansela ng Pangulo ang kanyang pagdalo sa United Nations General Assembly para umano unahin ang mga isyu sa bansa.


