Kakaibang insidente para kay French Pres. Emmanuel Macron matapos ang kanyang talumpati sa United Nations sa New York City.
Papunta na ang Convoy ni Macron sa French consulate nang mahinto ang kanyang sasakyan.
Isinara kasi ang kalsada dahil sa inaabangang motorcade ni U.S. Pres. Donald Trump.
Bumaba pa ng kotse si Macron para kausapin ang traffic enforcer at tinawagan din ni Macron si Trump sa cellphone.
ADVERTISEMENT
Hindi pa rin pinayagang makadaan ang kotse ni Macron kaya napilitan siyang maglakad nang kalahating oras papunta sa konsulado.


