Lumabas na po ng Philippine Area of Responsibility, si Super Typhoon Nando may layong nasa 540 Km kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin nito ang hanging aabot sa 185 KPH at bugsong hanggang 230 KPH.
Patuloy nitong pinapalakas ang habagat na nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa.
ADVERTISEMENT
Pero kasabay ng paglabas ni Nando, pumasok naman na sa PAR ang Tropical Depression na pinangalanang “Opong.”
May layo itong 1,045 km silangan ng Northeastern, Mindanao. Taglay nito ang hanging na may bilis na 55 KPH at bugsong aabot hanggang 70 KPH.
Kumikilos ito pa-kanlurang timog-kanluran sa bilis na 10 KPH, wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal. Pero inaasahang sasailalim sa signal no. 1 ang Eastern Visayas at Bicol region simula Miyerkules.
ADVERTISEMENT
Posibleng maranasan ang malakas na ulan mula kay Opong pagsapit ng Huwebes, habang papalapit ito sa lupa. Posibleng mag-landfall sa Northern Samar sa Biyernes at tatawid sa Southern Luzon hanggang Sabado.
Inaasahang lalakas pa ang bagyo at posibleng umabot sa severe tropical storm category.
Kaya naman, pinapayuhan ang publiko at mga LGU na maghanda at sumunod sa mga babala ng PAGASA at mga otoridad.
ADVERTISEMENT

