Itinalaga ng Kamara, si dating PCO Secretary Cheloy Garafil bilang bagong Secretary General ng House of Representatives.
Kinumpirma ito ni dating Sec-gen Reginald Velasco, matapos ang unanimous na pagkakahalal kay Garafil sa plenary session ngayong Martes.
Magugunitang dating Chairperson ng Manila Economic and Cultural Office at dating kalihim ng Presidential Communications Office si Garafil.
Nanumpa na bilang pinakabagong miyembro ng House of Representatives si Gabriela Partylist Rep. Sarah Elago.
ADVERTISEMENT
Nanumpa kay House Speaker Francisco “Bojie” Dy III si Elago, matapos ideklara ng COMELEC na nakuha ng Gabriela ang ika-64 na puwesto sa party-list seat allocation.
Giit ni Elago, sa kabila ng red tagging, kaso at smear campaigns magpapatuloy ang laban para ng Gabriela sa kababaihan at kontra korapsyon.

