Good NewsFeatured

Malikhaing mga placard laban sa korapsyon, itinaas sa mga kilos-protesta | News Light

Libu-libong Pilipino ang nakilahok sa kilos-protesta laban sa korapsyon sa pamahalaan kahapon.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Libu-libong Pilipino ang nakilahok sa kilos-protesta laban sa korapsyon sa pamahalaan kahapon.

Upang ipahayag ang kanilang panawagan ng pananagutan at hustisya, naging malikhain ang ilan sa mga ito.

May bayong na may nakalagay na “Pera o kulong” na hango sa isang sikat na television game.

Mayroon ring nagtaas ng karatulang “Magpapababy pero hindi nepo baby.”

Ang trending sa social media na host phrases ay inilagay rin sa ilan pang placard.

ADVERTISEMENT

May nagtaas ng payong na may brand ng luxury car, mayroon pang nag-ala Spider-Man at Batman.

Pero bagamat hinaluan ito ng ilan ng creativity, iisa pa rin ang kanilang panawagan: panagutin ang tunay na may kasalanan at ipaglaban ang bayan.

What do you feel about this article?