SportsFeatured

EJ Obiena, nasungkit ang ginto sa Atletang Ayala World Pole Vault Challenge | News Light

Ginto ang nasungkit ni pole vault phenom EJ Obiena sa Atletang Ayala World Pole Vault Challenge kahapon. Nakuha ni Obiena ang unang pwesto matapos ma-clear ang 5.80 meters sa dalawang…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Ginto ang nasungkit ni pole vault phenom EJ Obiena sa Atletang Ayala World Pole Vault Challenge kahapon.

Nakuha ni Obiena ang unang pwesto matapos ma-clear ang 5.80 meters sa dalawang attempt lamang.

Nalamangan niya si Thibaut Collet ng France na nauwi naman ang silver medal matapos ma-clear ang 5.80 meters sa ikatlong attempt.

Sinubukang hamunin ni Collet si Obiena sa pagtalon sa 5.90 meters ngunit nabigo siya dito.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Obiena, ito ang best vault na kanyang hinarap ngayong araw at masaya siya sa pressure na dala ng Filipino crowd sa kompetisyon.

What do you feel about this article?