Pinirmahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12287 na nagbibigay kapangyarihan sa pamahalaan na magdeklara ng “State of imminent disaster” bago pa tumama ang kalamidad.
Layon nito na makapagpatupad ng agarang hakbang tulad ng pre-emptive evacuation, pagpapamahagi ng tulong, at pagmobilisa ng mga rescue team para maiwasan ang malawakang pinsala.
Maaari nang magdeklara ang pangulo o mga local chief executives base sa rekomendasyon ng NDRRMC o ng regional DRRM councils matapos isagawa ang pre-disaster risk assessment.

