Binanatan ni Sen. Raffy Tulfo ang Philippine Airlines dahil sa sobrang mahal na pamasahe at mababang kalidad ng mga eroplano.
Sa pagdinig ng senate committee hearing on public services ngayong Huwebes, iginiit ni Tulfo ang mahal na airfare sa kabila ng problema sa eroplano tulad ng hindi nare-recline na upuan, sirang tray, at umano’y out of order ang palikuran.
Mabaho rin umano ang carpet at bumabagsak na overhead bin kapag may turbulence.
Ikinabahala din ng senador ang lagay ng makina ng eroplano.
ADVERTISEMENT
Samantala, nilinaw naman ng PAL na nakipag-ugnayan na umano sila sa Department of Transportation para pansamantalang suspendihin ang fare hike sa Siargao na umaabot ng P11,000 ang presyo ng one way sa naturang lugar.
Habang aayusin din umano ng naturang airline ang kanilang serbisyo.


