Balitang A2ZLatest News

Ilang dating DPWH Bulacan officials, may hatian sa kinikitaang flood control ghost projects, ayon kay Engr. Hernandez

Isiniwalat ni dating Bulacan first district assistant Engineer Brice Hernandez na naghahatian sila ng ilang opisyal ng DPWH-Bulacan sa mga kinikita nila sa flood control ghost projects.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Isiniwalat ni dating Bulacan first district assistant Engineer Brice Hernandez na naghahatian sila ng ilang opisyal ng DPWH-Bulacan sa mga kinikita nila sa flood control ghost projects.

Ayon kay Hernandez, kabilang sa nakakatanggap at may mataas ang hatian ay ang boss niyang si dating bulacan first district engineer Henry Alcantara na umaabot ng 40 percent ang kubra.

Dipensa niya, ginagawa nila ang kaliwa’t kanang ghost projects dahil tumaas din ang ‘tara’ o ‘yung perang ginagamit na pampadulas sa ilang opisyal ng gobyerno.

Tinanggi naman ni Alcantara ang alegasyon ni Hernandez.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?