Naghain ng counter affidavit ang dating aktres na si Gretchen Barretto nang dumalo siya sa preliminary investigation ng Department of Justice hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Matatandaang kasong multiple murder at illegal detention ang kinakaharap ni Barretto kasama ang gaming tycoon na si Atong Ang at mahigit 50 iba pa na inihain ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero nitong Agosto.
Kabilang si barretto sa ilang mga respondent na dumalo sa pagdinig kasama si dating NCRPO chief retired Plt. Gen. Jonnel Estomo.
Hindi dumalo si ang at humiling ng dagdag oras ang kanyang abogado para maihanda ang counter-affidavit.
ADVERTISEMENT
itinakda naman ang susunod na pagdinig sa September 29.

