WeatherLatest News

Bagyong Nando, posible pang lumakas sa mga susunod na araw | News Light

Bahagyang lumakas ang tropical storm Nando habang patuloy itong kumikilos pa-kanlurang hilagang-kanluran sa layong 1,075 km silangan ng Gitnang Luzon, ayon sa DOST-Pagasa nitong Biyernes ng umaga.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Bahagyang lumakas ang tropical storm Nando habang patuloy itong kumikilos pa-kanlurang hilagang-kanluran sa layong 1,075 km silangan ng Gitnang Luzon, ayon sa DOST-Pagasa nitong Biyernes ng umaga.

Taglay nito ang lakas ng hanging 75 km/h malapit sa gitna at bugso na aabot sa 90 km/h, habang gumagalaw sa bilis na 15 km/h.

Sa ngayon, wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal, ngunit inaasahan na magsisimula ang pagbuhos ng malalakas na ulan dulot ng habagat pagsapit ng Linggo o Lunes.

Posibleng itaas ang signal no. 1 sa Hilagang Luzon sa Sabado, at hindi isinasantabi ang posibilidad na umabot sa signal no. 5 kung sakaling lumakas ito bilang super typhoon.

Batay sa forecast, posibleng tumama o dumaan malapit sa Babuyan Islands ang sentro ng bagyo mula Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga bago tuluyang lumabas ng Philippine area of responsibility.

ADVERTISEMENT

Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na pamahalaan na maghanda laban sa posibleng pagbaha, storm surge, at malalakas na hangin.

What do you feel about this article?