Mas lalong bumilis ang paggalaw ni tropical depression Nando na kasalukuyang kumikilos pahilagang-kanluran sa Philippine sea.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at bugsong aabot ng 70 kph.
Wala pang wind signal na nakataas pero inihahanda na ang pagtaas ng signal sa Northern Luzon pagsapit ng Sabado.
Posibleng umabot sa super typhoon category si Nando at maaaring tumama o dumaan malapit sa babuyan islands.
Inaasahan din na palalakasin nito ang habagat na magdudulot ng malakas na ulan at hangin sa ilang bahagi ng luzon tulad ng Metro Manila, Cavite, Batangas, Zambales, Bataan, Quezon, Bicol, MIMAROPA at Western Visayas kung saan mararanasan ang malalakas na hangin at alon.
ADVERTISEMENT
Samantala lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang tropical depression Mirasol matapos bumilis ang kanyang galaw pahilagang-kanluran patungong West Philippine Sea.
Wala nang wind signal na nakataas sa ilalim ng bagyong Mirasol.
Pinaalalahanan naman ang publiko at mga local DRRM offices na patuloy na maghanda at sumunod sa babala ng mga opisyal.

