Balitang A2ZLatest News

Rep. Sandro Marcos, itinanggi ang buwelta ni Cong. Paolo Duterte na ginawang Speaker si Bojie Dy dahil kapartido ni PBBM

Rep. Sandro Marcos, itinanggi ang buwelta ni Cong. Paolo Duterte na ginawang Speaker si Bojie Dy dahil kapartido ni PBBM

BALITANG A2Z · · 1 min read

Naniniwala si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, na pinili bilang bagong House Speaker si Isabela 6th District Faustino Boji Dy, dahil lamang kapartido umano ito ni pang Bongbong Marcos Junior.

Sa pahayag sinabi ni Cong pulong na mismong si Presidential Son at Majority Leader Sandro Marcos
ang pumili kay Dy dahil kaalyado nila ito ng kanyang ama sa Partido Federal ng Pilipinas.

Para kay Duterte, panibago umano itong pagtatakip sa sistema ng korapsyon.

Mabilis namang itinanggi ni Cong. Sandro Marcos ang alegasyon.

ADVERTISEMENT

Patutsada pa ng batang Marcos, mas mauunawan siguro ito ni Paolo Duterte kung umaattend siya sa mga pagdinig sa Kamara.

What do you feel about this article?