Itinuturo ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno sina dating House Appropriations Chair Zaldy Co at dating Senate President Francis “Chiz” Escudero, bilang may sala sa kontrobersiyal na 2025 national budget.
Ayon kay Puno, sa small committee meetings lamang nakadalo sina Co at Escudero habang hindi umano sumipot si Speaker Martin Romualdez at hindi naman pinayagan si Senator Grace Poe na sumali.
Iginiit ni Puno, na sa mga pagpupulong na iyon ipinasok ang mga kaduda-dudang bilyong-bilyong piso na pondo kaya nararapat lang na sila umano ay managot.
Dagdag pa ni puno, dapat pabalikin ng sapilitan sa Pilipinas si Co mula sa US dahil sa koneksiyon nito sa mga isyu ng korapsyon gaya ng flood control projects at fish import permits.

