Ibinunyag ng mga Senador sa pagdinig ng Committee on Games and Amusement na may access pa rin ang online gambling sites sa e-wallet platforms, sa kabila ng utos ng Bangko Sentral na i-delink na ang mga ito.
Kaya kinuwestyon ng Senate Committee ang mga kinatawan ng e-wallet platforms ukol dito sa usapin ng pagprotekta sa users laban sa pagkalulong sa online sugal.



