Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na hindi nito paluluwagin ang pagpapatrolya at air surveillance ng mga tropa ng gobyerno sa Bajo De Masinloc, Panatag Shoal at Scarborough Shoal na sakop ng West Philippine Sea.
Sa gitna ‘yan ng plano ng China na magtayo ng national nature reserve sa naturang pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad patuloy ang maritime domain awareness at internationally-supported monitoring para mapanatili ang integridad ng teritoryo.
Aniya, iligal ang presensya ng China sa lugar at tinawag itong isang propaganda.
ADVERTISEMENT
Taong 2012 pa ng pag interesan ng China ang Shoal ng Pilipinas na nasa 240 km lamang ang lapit sa Luzon habang nasa 900 km naman ang layo ng mga ito sa China.

