Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang tila aniya’y mabagal na aksyon ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbuo ng ICI o Independent Commission on Infrastructure laban sa flood control scandal.
Ayon kay VP Sara, nakita na ni Pangulong Marcos kung paanong binabalahura ang pondo para sa flood control.
Kaya naman dapat na aniyang diretsong tanggalin ni PBBM sa pwesto si House Speaker Martin Romualdez at sabihan ang mga kaalyado sa kongreso na ayusin ang pondo at panagutin ang mga may sala.
Dagdag pa ng bise, hindi aniya alam ng Pangulo ang kaniyang gagawin sa gitna ng pagmamadali ng Pilipinas na maresolba ang isyu sa kurapsyon sa pondo para sa flood control.

