Binigyang-diin ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez, na kailangang isara ang mga tila ‘butas’ o anomaly sa sistema ng pagpaparehistro ng mga smuggled na mga sasakyan.
Ito’y matapos madiskubre ng mga otoridad na hindi nagbayad ng tamang buwis ang mag-asawang Discaya sa pag-import ng mga luxury cars pero nairehistro pa rin ito sa LTO.
Aminado si Lopez na kulang ang checking ng mga ahensya at kailangan ng “whole of government reform” para hindi na maulit ang ganitong modus.

