Iginigiit ng Ministry of Foreign Affairs ng China na tama lamang ang hakbang ng kanilang coast guard para protektahan ang inaangking Scarborough Shoal.
Ito ang tugon ng Beijing nitong Martes matapos pagbabarilin ng water cannon ang mga barko ng Pilipinas malapit sa pinag-aagawang Scarborough Shoal sa South China Sea.
Ayon sa tagapagsalita ng China Coast Guard, mahigit 10 barkong Pilipino ang umano’y “ilegal na pumasok” sa kanilang teritoryo mula sa iba’t ibang direksyon.
Gayunman, nananatiling iginigiit ng Pilipinas na saklaw ng ating exclusive economic zone ang lugar, alinsunod sa 2016 arbitral ruling na pumabor sa bansa laban sa malawak na pag-aangkin ng China sa South China Sea.

