Balitang A2ZLatest News

Prosecution team ng International Criminal Court, hiniling ang sariling medical examination sa mental health ni FPRRD

Prosecution team ng International Criminal Court, hiniling ang sariling medical examination sa mental health ni FPRRD

BALITANG A2Z · · 1 min read

Naghain na ng request ang prosecution team ng International Criminal Court para isagawa ang sarili nilang medical examination sa mental well-being o kalagayan ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Joel Butuyan, isa sa limang Pinoy na ICC-accredited lawyers na maghahain din ang prosecution ng mga ebidensya batay sa mga pahayag ng mga anak ni Duterte matapos bisitahin siya sa The Hague.

Giit ni Butuyan, mas matimbang ang behavioral evidence mula sa kanyang mga anak kumpara sa medical examination dahil makikita umano ang tunay na pag-uugali ni Duterte sa harap ng pamilya.

Kumpyansa rin si Butuyan na hindi tatanggapin ng hukom ang argumento ng depensa.

ADVERTISEMENT

Aniya, sa mga nakaraang kaso sa ICC, nade-deny ang lahat ng request para sa adjournment dahil lamang sa umano’y mental unfitness.

Dagdag niya, kung sakaling i-grant man ito hindi ito permanente dahil aalamin uli ng ICC kada 12 buwan ang kalagayan ng akusado.

What do you feel about this article?