Libreng internet para sa halos 12,000 Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) ang ipinangako ng Department of Information and Communications Technology (DICT) bago matapos ang taon.
Bilang bahagi ng Free Wi-Fi for All Program, layon ng DICT na maikonekta sa internet ang 11,964 paaralan na hindi pa naaabot nito.
Nangako rin ang DICT na 100 porsyento ng mga pampublikong paaralan ay mabibigyan ng libreng Wi-Fi upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

