Balitang A2ZLatest News

LTO, sinuspinde ang lisensya ng tinaguriang “BGC Boys” dahil sa pekeng ID

Sinuspindi ng Land Transportation Office ang lisensya ng limang katao na kilala bilang "BGC Boys" matapos mahuling gumamit ng pekeng driver’s license para makapasok sa casino.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Sinuspindi ng Land Transportation Office ang lisensya ng limang katao na kilala bilang “BGC Boys” matapos mahuling gumamit ng pekeng driver’s license para makapasok sa casino.

Kasama sa mga sinuspindi ang dating DPWH Bulacan Engineer Henry Alcantara at mga assistant district engineers na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Edrick San Diego at Arjay Domasig.

Ayon kay LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza maaring ma-revoke habambuhay ang kanilang lisensya at mabawalan silang muling mag-apply.

What do you feel about this article?