Opisyal nang sinibak sa pwesto ni Public Works and Highways chief Vince Dizon ang dalawa pang DPWH officials sa Bulacan.
Inalis na sina dating Bulacan first district assistant engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza na maiingay ngayon ang pangalan dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian sa flood control projects sa bansa.
Alinsunod ito sa hakbang ni Dizon na linisin ang kanilang hanay kaugnay sa direktiba ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. matapos madismaya sa mga substandard, palpak, at ghost flood control projects.
Kabilang sina Hernandez at Mendoza sa dalawampung opisyal ng DPWH Bulacan na sinampahan ng kaso ni Dizon noong Huwebes.
ADVERTISEMENT
Kasama rin ila sa tinaguriang “BGC boys” na gumamit ng pekeng driver’s license para makapasok sa Casino.

