Balitang A2ZLatest News

Chinese warships spotted sa WPS sabay sa pag-arangkada ng multilateral maritime activity ng PH, U.S. at Japan

Spotted ang ilang war ship ng China sa West Philippine Sea nitong Biyernes sabay sa pag arangkada ng ika labing isang multilateral maritime cooperative activiy sa pagitan ng Pilipinas, U.S.…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Spotted ang ilang war ship ng China sa West Philippine Sea nitong Biyernes sabay sa pag arangkada ng ika labing isang multilateral maritime cooperative activiy sa pagitan ng Pilipinas, U.S. at Japan.

Nag issue ng radio challenge ang BRP Jose Rizal ng Philippine Navy matapos maispatan ang Chinese People’s Liberation Army navy vessel na naglalayag sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa bahagi malapit sa Capones Island sa zambales bago magtanghali ngayong Sept. 12.

Bandang 1 p.m. naman may isa pang chinese warship ang nadetect ng radar ng Navy ng Pilipinas.

Sa kabila ng presensya ng China hindi nagpasindak ang Pilipinas at nagpatuloy sa maritime drills.

ADVERTISEMENT

Kabilang dyan ang recovery exercise,kung saan lumapag ang helicopter sa barko ng Navy habang ito ay naglalayag.

What do you feel about this article?