Sensitibong balita mga ka-A2Z.
Patay ang conservative activist at kaalyado ni U.S. Pre. Donald Trump na si Charlie Kirk matapos barilin habang nagsasalita sa Utah Valley University sa Orem, Utah.
Sa video ng mga saksi sa insidente maririnig si Kirk na sumasagot sa isang tanong nang biglang may nagpaputok ng baril.
Tinatayang nasa 3,000 katao ang dumalo sa naturang event nang maganap ang insidente.
Kinumpirma ng mga otoridad na isang sniper ang nagpaputok mula sa malayong rooftop sa loob ng campus.
ADVERTISEMENT
Nananatiling at-large o pinaghahanap ang suspek.
Tinuturing naman itong isang political assassination ayon sa Utah officials.



