Mariing kinokondena ng Pilipinas ang plano ng China na gumawa ng “national nature reserve” sa Bajo de Masinloc o Scarborough shoal.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, maghahain ito ng diplomatic protest dahil patuloy na nilalabag ng China ang soberanya ng bansa at maging ang international law.
Giit pa ng ahensya, ang Pilipinas lamang ang may karapatang magdeklara ng protected areas sa loob ng kanyang teritoryo.
Iligal at walang batayan ang hakbang ng China, na tahasang sumasalunggat sa 2016 arbitral ruling at United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
ADVERTISEMENT
Nasa 120 nautical miles lamang mula sa Zambales ang Bajo de Masinloc.

