Naglabas na ng subpoena ang Department of Justice sa negosyanteng sina “Atong” Ang, actress Gretchen Barretto, dating NCRPO chief Plt. Gen. Jonnel Estomo at mahigit 60 katao kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Kinumpirma ito ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon kung saan, nagsimula nang ipaabot ang mga subpoena nitong Martes at patuloy ito hanggang Miyerkules para sa preliminary investigation sa multiple murder at kidnapping.
Nauna nang nilagyan ng immigration lookout bulletin order ang mga pinangalanan sa kaso.
Nilinaw naman ng DoJ na maaari nang humiling ng precautionary hold departure order kapag pumasok na sa pagdinig ang imbestigasyon.
ADVERTISEMENT
Nauna itinanggi na nina Ang, Barretto, at Estomo na may kinalaman sila sa pagkawala ng mga sabungero.


