InternationalLatest News

Taiwan, may bagong record-high sa Filipino trust ratings | News Light

Nakapagtala ng high record ang bansang Taiwan sa bagong nationwide survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).

Newslight · · Updated · 1 min read

An aerial view of Taipei cityscape with Taipei 101 and surrounding mountains under at sunset

Nakapagtala ng high record ang bansang Taiwan sa bagong nationwide survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).

Sumipa ang net trust rating ng Taiwan sa +18 noong Hunyo, mula sa +13 noong Abril mula nang magsimula ang tracking ng Filipino views sa bansa ang SWS taong 2013, base sa release nitong Martes.

Lumabas sa survey na 42% ng mga Pinoy ay may much trust o malaking tiwala sa Taiwan, laban sa 24% na little trust at 31% na undecided.

Ginawa noong Hunyo sa 1,200 Pinoy nationwide, tinanong ang respondents ng survey sa kanilang trust rating sa 11 bansa mula “very much” hanggang “very little,” o hindi pa pamilyar sa bansang nabanggit.

ADVERTISEMENT

Relevance sa Philippine foreign affairs ang basehan ng SWS sa napiling mga bansa. Pang-apat na ang Taiwan sa highest trust rating, kasunod ng Estados Unidos, Japan, at Australia. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?