Binanatan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mag-asawang kontratista na sina Pacifico at Sarah Discaya matapos ang kanilang testimonya sa senado.
Sa pagdinig ng House infra committee, ibinunyag ni Sotto na lahat ng siyam na kumpanya ng Discaya couple na nakabase sa Pasig City ay may malalaking tax deficiencies at maraming paglabag sa LGU.
Aniya, kahit nahatulan na si Pacifico Discaya sa dalawang kaso ng building code violations
patuloy pa rin ang pagkakakontrata ng mga kompanya nito sa gobyerno.
Tinawag ni Sotto ang mag-asawa na ‘habitual liars’ o mga sinungaling lalo na sa pag-angkin na lugi sila sa mga proyekto.
ADVERTISEMENT
Giit niya, hindi kapani-paniwala na tumatanggap ng kontrata ang mga ito kung talo sila umano sa negosyo.



