Matatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang nasa kalahati ng ₱223 bilyong budget ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa susunod na taon.
Halagang ₱113 bilyon ang nakalaang budget para sa 4Ps, na magpapabuti umano sa kalidad ng pamumuhay ng 4.4 milyong households, ayon kay President Ferdinand Marcos Jr.
Base sa 2026 National Expenditure Program na isinumite ng Malacañang sa Kongreso, saklaw na ng halagang ito ang mga conditional cash transfers, rice subsidies, enhanced support services intervention grants, pati ang ayuda sa unang 1,000-day health monitoring ng mga buntis hanggang sa maging dalawang taong gulang ang kanilang anak.

