Ilang bungo at iba pang hinihinalang buto ng tao ang natagpuan sa patuloy na search operations ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake hinggil sa missing sabungero case.
Sa paghahanap mula Setyembre 4 hanggang 8, narekober mula sa Taal Lake ang nasa tatlo hanggang apat na bungo ng tao.
Bukod diyan, may nakuha ring buto na maaaring galing sa gulugod o tadyang ng tao.
Dinala na sa PNP Crime Laboratory ang mga buto para masuri kung ito ay sa mga nawawalang sabungero.

