Balitang A2ZFeatured

Bilang ng iligal na Chinese vessel na namataan sa Ayungin shoal, nabawasan ayon sa PH Navy

Iniulat ng Philippine Navy na bumaba sa siyam ang bilang ng Chinese vessels na nakapuwesto malapit sa ayungin shoal mula sa dating bilang na umaabot ng 24.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Iniulat ng Philippine Navy na bumaba sa siyam ang bilang ng Chinese vessels na nakapuwesto malapit sa ayungin shoal mula sa dating bilang na umaabot ng 24.

Kabilang dito ang dalawang China Coast Guard at pitong maritime militia ships.

Ayon kay Navy spokesperson CMDR. Roy Vincent Trinidad nananatili pa ring ilegal ang presensya ng mga ito at may banta pa rin ng tensyon sa West Philippine Sea.

Aniya, posibleng dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga barko ang masamang panahon.

ADVERTISEMENT

Tumanggi namang kumpirmahin o itanggi ng AFP ang umano’y resupply mission sa BRP Sierra Nadre pero iginiit na tuloy-tuloy pa rin ang suporta sa mga tropa na nasa Ayungin shoal.

What do you feel about this article?