Idiniin ni Navotas City Rep. Toby Tiangco si dating House appropriations chair at Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co sa kontrobersiya ng flood control projects.
Sa pagdinig ng senado, kung saan tumestigo si Tiangco inilatag ng mambabatas ang ilang mga ebidensya at dokumento na nagpapakitang si Co ang proponent ng higit P13.8 billion peso budget insertions sa iba’t ibang distrito kabilang ang Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon at Bukidnon.
Giit ni Tiangco, nabawasan ang pondo ng mga ahensiya gaya ng deped at Philhealth para maisingit ang mga proyekto.
Iginiit din ni Tiangco na dapat maimbitahan si Co sa susunod na pagdinig.


