Balitang A2ZLatest News

24 Chinese vessels, namataan sa Ayungin Shoal

Namataan ang nasa 24 na Chinese vessels malapit sa Ayungin Shoal bago ang nakatakda sanang rotation at resupply mission sa BRP sierra madre na nasa lugar.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Namataan ang nasa 24 na Chinese vessels malapit sa Ayungin Shoal bago ang nakatakda sanang rotation at resupply mission sa BRP sierra madre na nasa lugar.

Ayon kay RADM Roy Vincent Trinidad ng Philippine Navy, apat na coast guard ship at dalawampung na maritime militia ang namatyagan sa loob ng ilang araw.

Huling nagsagawa ng resupply mission ang Pilipinas noong July.

Habang tiniyak naman ni Trinidad na hindi pababayaan ang mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre.

ADVERTISEMENT

Nasa loob ng 200-mile Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.

Nananatiling mainit ang tensyon dahil sa malawak na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea sa kabila ng 2016 Hague ruling na pumapabor sa Pilipinas.

What do you feel about this article?