Ikinagalit ni DPWH Sec. Vince Dizon ang ininspeksyon na riverwall project sa Plaridel, Bulacan na halos P100 milyong piso ang halaga.
“Marked as completed” na kasi ang naturang flood control project, pero, ani dizon, iniwan itong nakatiwangwang at kailan lang sinimulan ang konstruksyon nang uminit na ang isyu.
Samantala, iginiit naman ni dizon na taong 2023 pa ibinunyag ni Sen. Joel Villanueva ang mga anomalya sa flood control projects nang hindi pa ito isang national issue.

