Tampok ang isang Filipina entreprenuer sa ikalawang edisyon ng librong “The Logistics Legends Vol. 2”
Sabay sa kanyang 40th birthday celebration kamakailan ay inanunsyon ni Michelle Moreno ang bagong business book.
Bumida rito ang kwento ni Moreno at ng mega mile trans international cargo services.
Pero hindi lang dahil sa tagumpay na natatamasa ng kanilang negosyo ngayon sa larangan ng logistics transportation.
ADVERTISEMENT
Kundi dahil sa likod ng kanyang kwento ay ang kanyang matinding pananampalataya sa diyos na siyang katuwang niya sa pagpapalago ng kanilang kumpanya.
Kasama ni Moreno na itinampok sa naturang libro ay ilan pang kwento ng tagumpay mula sa Co president ng Epost Global, at ilan pang negosyante mula Mexico, Sri Lanka at U.K.

